PCSP Technical Advisory No. 002
Series of 2020
RECOVERY FROM ASF
SENTINEL PROGRAM
That sentinel pigs should be 2 to 3 months of age or older upon arrival. The number of sentinel animals should be 5-10% of the total capacity of the farm. The pigs may be for market hogs or replacement breeders depending on the type of operation and the risk analysis done by the farmer;
That the sentinel pigs are allowed access to all areas of the facilities that will house pigs. Any ASF re-infection will be grounds for termination of the sentinel program. The farmer is then advised to follow the earlier prescribed PCSP Tech. Adv. No 1 for the needed depopulation, decontamination and downtime, before attempting to restock again.
That the full sentinel program (a minimum of 2 months) means that all sentinel pigs survive without any ASF re-infection, and the farm may proceed with restocking.
PAGBANGON MULA SA ASF
PROGRAMANG ‘SENTINEL’
Ang programang ‘sentinel’ ang pinakamabisa upang matukoy na ang babuyan ay wala ng naiiwan na ‘virus’ na pwedeng makahawa sa panibagong grupo ng mga baboy. Ang mga pagsusuri para sa ASF ay limitado sa abilidad na matiktikan ang buhay na virus. Ang ‘PCR’ ay kaya matiktikan lamang ang parte ng ‘viral genome’. Ang ibang pagsusuri, tulad ng ‘ELISA’ ay kaya matiktikan ang ‘antibodies’ pero ito ay indikasyon lamang na nakaranas ng pagkahawa. Ang mga pagsusuri na ito ay hindi makakapagsabi kung buhay at kaya bang makahawa ang virus. Kaya ang pang huli at pinakamabisa na pagdetermina na mababa na ang panganib sa pagkakaroon ng bagong pagkahawa ng ASF ay ang paglalagay ng ‘sentinel’ na baboy. Kaya minarapat ng PCSP na irekomenda ang mga sumusunod:
Na ang mga ‘sentinel’ na mga baboy ay dapat kunin galing sa mga ‘ASF-negative’ na babuyan (ayun sa mga panuntunan ng BAI). Ang patuloy na pagobserba at pagkasunud-sunod na pagsusuri (‘PCR, ELISA Ab’ at ibang mga pagsusuri) ay dapat gagawin para madetermina na walang panibagong pagkahawa ng ASF;
Na ang ‘sentinel’ na mga baboy ay dapat edad 2 hanggang 3 buwan o mahigit pagkarating sa babuyan. Ang mga ‘sentinel’ na baboy ay 5-10% sa kabuuan na kapasidad ng babuyan. Ang mga baboy ay maaring pang katay o panibagong palahiin na baboy depende sa uri ng operasyon at ‘risk analysis’ na ginawa ng magbababoy;
Na ang ‘sentinel’ na mga baboy ay hinahayaang makaabot sa lahat ng sulok na kung saan magkakaroon ng baboy. Ang anumang panibagong pagkahawa ng ASF ay basehan para itigil ang programang ‘sentinel’. Ang magbababoy ay pinapayuhan na sundan ang naunang rekomendasyon nakasaad sa PCSP Technical Advisory No 1 para sa kinakailangang proseso ng ‘depopulation’, ‘decontamination’ at ‘downtime’, bago magtangka na umulit;
Na ang buong programang ‘sentinel’ (hindi bababa sa 2 buwan) ay nagkakahulugan na lahat ng ‘sentinel’ na mga baboy ay nabuhay na walang panibagong pagkahawa ng ASF at maari na silang magpatuloy sa pagbangon.
Leave A Comment