PCSP Technical Advisory No. 005
Series of 2020
PAGBANGON GALING SA ASF
KANIN BABOY
Ang kanin baboy ay ang natukoy na punto ng pagpasok ng ASF sa Pilipinas. Ang kaso na unang napahiwatig sa Rizal ay kinilala na pagkain na tinapon ng mga hotel, restawran at eroplano bilang salarin. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng DA Memo 22, serye ng 2018. Ang mga bagong kaso sa mga maliit na babuyan ay iniulat din na magsisimula ng kanin baboy.
Ang kanin baboy ay tinutukoy ang pagpapakain ng mga tiring pagkain/ basura ng pagkain/ tira sa pinagkainan sa mga baboy. GAHP para sa Baboy
Ang basura na galing sa karne ay ang problema. Kung ang pinagkunan ng karneng baboy ay isang nahawahan na hayop na iligal na kinatay – ang karne nito ay kaya pa rin mapanatili ang virus na protektado ng mga organikong material tulad ng dugo at mga laman. Kapag umabot na ang karne sa pagproseso sa kusina, maaari itong hindi sapat na maluto at puwede mabuhay ang ASF virus. Ang mga taba ng baboy at mga hiniwa na karne ay madalas na itinatapon at nahahalo sa mga tira mula sa mga nahain na pagkain sa mesa. Bukod dito, ang mga magbababoy na gumagamit ng mga binasura na pagkain ay hindi niluluto ito bago nila ipakain sa baboy.
Habang ang pagpapakain ng kaning baboy ay kinikilala na pwedeng pakain na makukunan ng mataas na antas ng protina para sa mga hayop tulad ng mga baboy, subalit nagdudulot din ito ng panganib dahil ang mga pathogens na nagdudulot ng mga sakit sa mga baboy (tulad ng ASF, FMD, CSF, PRRS, atbp.) at mga tao (mga bacterial pathogens na problem sa food safety) na maaaring mabuhay sa kontaminadong karne na binasura – maaari nyang gampanan ang pagpapanatili ng mga endemic at/ o mga nakakalason na sakit. Dapat bigyan ng pansin ang paggamit ng mga pagkain na binasura na ginagawang kanin baboy, kabilang ang mga naproseso na mga produktong baboy na hindi nalapatan ng init.
Sa makatuwid, inilabas ng PCSP ang teknikal na mga payo na ito upang gabayan ang industriya ng pagbababoy:
– Suportahan ng Beterinaryo sa LGU ang pagpapatupad ng DA Memo 22 sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Ordinansa na Municipal/ Lungsod/ Panlalawigan;
– Clean plate policy. Kainin ang lahat ng karne, kabilang ang taba na inilagay mo sa iyong plato, iwasan ang pag-aaksaya ng pagkain;
– Wastewater treatment sa mga kaso na ang tubig ay ginagamit sa paghugas para linisin ang mga natirang karne mula sa mga plato;
– Lutuin ang kanin baboy bago pagpapakain sa mga baboy. Ang kanin baboy ay dapat na pinainit sa 90oC sa loob ng 60 minuto na patuloy na paghahalo o ang kanin babaoy ay dapat mapanatili sa temperatura ng hindi bababa sa 121oC nang hindi bababasa 10 minuto sa isang ganap na pressure na 3 bar. Ito ay maganda na pagkaisahan na pagsisikap sa komunidad; at
– Hinihikayat ang paggamit ng komersyal na feed. Bumili mula sa isang mapagkakatiwalaang supplier na may quality control at biosecurity system.
Hinihikayat namin ang pag-unawa ng lahat tungkol sa mga pangunahing prinsipyong ito habang nagsusumikap tayo na makabangon ang industriya ng baboy.
Leave A Comment